Ang pagaalala ay hindi isang walang kwentang kasalanan

Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya! – Mateo 6:30

Ang pag-aalala ay pagdedeklara na ang ating Ama na nasa langit ay hindi karapat-dapat sa pagtitiwala. Ang paghahayag ng paniniwala na walang pagkakamali ang Salita ng Diyos subalit sa mga susunod na kaganapan ay nagpapakita ka paden ng pag-aalala ay pagpapakita ng pagtanggi sa sinasabi mong paniniwala. Ang Pag-aalala ay ipinapakita sa atin na tayo ay nalupig ng ating kalagayan at ng ating sariling may hangganang pananaw at pag-unawa sa halip na Salita ng Diyos. Ang pag-aalala ay hindi lamang nakapanghihina at nakakasira subalit ito’y maninira ng puri at pagaalinlangan sa Diyos.

Isang halimbawa na lamang sa aking sariling karanasan ang mga nanamaplataya na hindi madalas sariwa ang salita ng Diyos at hindi madalas magbasa ng Salita ng Diyos araw-araw sa isip at puso, si Satan ay gumagalaw na humihigop at nagtatanim ng pag-aalala sa atin. Madalas sa aking karanasan ay nakakaranas ng pag-aalala subalit sa tuwing naalala ko ang kabutihan ng Panginoon at pagliligtas Niya sa akin ay winawaksi nito ang aking pag-aalala.  At ang pag-aaalala ang nagtutulak upang lumayo ang Panginoon sa ating isipan.

Pinayuhan tayo ni Apostol Pablo tulad ng ginawa niya sa Efeso,”Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga puso upang malaman ninyo ang pag-asa na para doon ay tinawag niya kayo, kung gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal, at kung ano ang di-masukat niyang kapangyarihan na kumikilos sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang dakilang kapangyarihan ding iyon” (Efeso 1:18-19)

Ikaw ba naitanong mona ba sa sarili mo kung gaano kalakas ang Panginoon para hindi mo isuko sa kaniya ang lahat ng iyong pag-aalala? Sinasabi mo bang ika’y nanalig sa Diyos subalit may agam-agam paden sa iyo?

Advertisements

Ang Pagaalala ay isang Kasalanan

MATEO 6:25 Kaya’t sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin][a] upang kayo’y mabuhay o kaya’y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba’t ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit?

Para sa mga Kristiyano ang pag-aalala ay isang pagsuway at hindi pagiging tapat sa Panginoon. Walang bagay sa ating buhay, panlabas man o panloob, mapapawalang-sala ang ating pagkabalisa lalo pa’t ang aming Master ay ang ating Panginoon.

Ang pag-aalala ay isa lamang kasalanan sa hindi naten pagtitiwala sa pangako at kalooban ng ating Diyos, Gayunpaman ito’y kasalanan para sa mga Kristiyano. Sa salitang Griyego, ang pangunahing utos ni Jesus ay kinabiiblangan ng mga ideya ng pagpapahinto sa kung ano ang ginagawa nating pag-aalala.

Kung ang pag-aalala ay kasama sa pang-araw-araw mong pamumuhay, nararapat lamang na ihinto muna ito.  Simula nang ako’y nakakilala sa Panginoon. napakalaking pagbabago ang aking naranasan at patuloy na nararanasan sa pagtitiwala sa Panginoon. Naririyan ang dumating ang oras na nagigpit kame sa pera at hindi na malaman kugn saan pa kukuha ng mahihiraman subalit pag ipinagkatiwala mo pala sa Panginoon ay lubhang ipinapakita niya kugn gaano siya makapangyarihan sa pagbibigay ng pangangailangan ng kanyang mga minamahal na nilalang. May mga imposibleng bagay na nararanasan ko nameng mag-asawa na tanging ang Panginoon ang nagbibigay solusyon. Sadyang napakabuti ng Panginoon at dahil dito lalo ko Siyang minamahal sapagkat una niya pinaparamdam kugn gaano Siya magmahal sa mga taong umaasa lamang sa Kaniya.

Matanong nga kita? Sa papaanong paraan mo ba maikakategorya ang sarili mo pagdating sa usapin ng PAG-AALALA? MAiisip mo ba na piliin ang kaluwagan sa pag-aalala sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos? Kung hindi naman anong pumipigil sa puso mo na paboran na mabawasan ang iyong pag-aalala sa buhay at pagkakaroon ng malakas na tiwala at kakontentuhan sa buhay?