Paghingi ng Karunungan

Humingi kayo at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makakatagpo; kumatok kayo at kayo’y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. Matthew 7:7-8

Isa sa hindi ko malilimutang pangyayari sa buhay ko ay nang mamulat ng Panginoon ang mga mata ko. At hindi ito mangyayari ng dahil sa sarili kong gawa. Simple lang. May pinakilala ang Panginoon ng mga taong nagpakilala saken sa Kaniya at dala ng pagkamausisa na mas makilala ang sinasabi niyang Jesus ng Bibliya ay pinanalangin kong bigyan ako ng Panginoon ng Karunungan upang lubos na maintindihan ang gusto niyang iparating na mensahe sa akin. Sa ganung paraaan ko nasimulang makilala ang Diyos at mamulat ang lahat ng dapat ko malaman. Lubos saking pinakita ng Ama sa langit kung gaano siya mapagbigay sa atin at nangakong may daan sa panghabang buhay at walang katapusang kayamanan upang matugunan ang ating pansariling pangangailangan gayundin naman ang pangangailangan ng iba. Bukod sa perpekto at walang pagkakamaling Salita ng Diyos, kinakailangan paden natin ang Kaniyang Espiritu upang mabigyan ng interpretasyon at paglalarawan, palakasin ang loob at pagtibayin ang ating kalooban. Hindi niya gustong malaman natin ang lahat ng kasagutan; bagkus nais niya na tayo ay maging estudyante na nagsasaliksik sa Kaniyang Banal na kasulatan.

Tunay ngang ang Karunungang mula sa Panginoon ang isa sa ating pinakakailangan. Hindi naten matutukoy ang kaibahan ng mukang tama at mukang mali at hindi natin makikita ang mga banal na payo ng Ama sa Langit; at ang pangunahing pamamaraan upang makamit ang karunungang mula sa panalangin (Santiago 1:5)

Ikaw naitanong mona ba sa iyong sarili kung kailan mo hiniling sa Diyos ang kinailangan mong Karunungan mupang makagawa ka ng espiritwal na desisyon? Sa paanong paraan ibinigay ng Diyos ang hinihiling mong karunungan upang mahawakan ang natatanging sitwasyon sa iyong buhay?

Nang malupig ng katapangan ang takot

Daniel 1-10-14 Ngunit sinabi niya kay Daniel, “Natatakot lamang ako sa gagawin sa akin ng mahal na hari na naglalaan ng pagkain at inumin ninyo kapag nakita niyang mas mahina kayo kaysa sa ibang mga kabataan na kasing-edad ninyo. Tiyak na papupugutan niya ako ng ulo.” Dahil dito, lumapit si Daniel sa bantay na pinagkatiwalaan ni Aspenaz na mangalaga sa kanya at sa tatlo niyang kaibigan. Pakiusap niya, “Subukin ninyo kami sa loob ng sampung araw. Gulay lang at tubig ang ibigay ninyo sa amin. Pagkatapos, ihambing ninyo kami sa mga kasing-edad namin na pinapakain ninyo ng pagkaing bigay ng hari at gawin ninyo sa amin ang nararapat.” Sinubok nga sila sa loob ng sampung araw.

Ang mga taong may biblikal na integridad ay may posibilidad na maging mga taong walang takot at may likas na katapangan.

Isa sa pangunahin at paborito kong subject sa school ay history. Na nadala ko sa pagmamahal na magbasa ng mga talambuhay ng mga pinakamagaling na misyonaryo at iba pang maka Diyos na tao na kung saan ang kanilang buhay ay masasalamin ang mga pambihirang pangako kay Kristo na kung saan ang kanilang katapangan sa harap ng mahirap na sitwasyon sa kanilang buhay ang natakdang magbukod sa kanila sa karamihan.  Si Daniel ay tulad ng isang tao. Mula sa kaniyang pagkabata ay kinalulugdan niya ang mga gawaing nakalulugod sa Panginoon at ipahayag ang salita ng Diyos ng may katapangan. Ipinamahagi niya ang sinabi ni David sa:

David 40:17 Ako ma’y mahirap at maraming kailangan, subalit hindi mo kinalilimutan. Ikaw ang tulong ko, at tagapagligtas— Yahweh, aking Diyos, huwag ka nang magtagal!

Kabaligtaran sa katapangan ni Daniel ay ang matinding takot ni Ashpenaz sa desisyon ng mga Hudyong hindi kumain maliban sa gulay sa loob ng sampung araw. Lubha siyang nag-aaalala na baka magmukang sakitin at walang buhay ang mga ito sa harapan ng hari at pag nangyari iyon ay kamatayan mula sa Hari ang parusa. Sa karakter ni Daniel dito pinapakita ang kanyang dunong na mula sa Diyos at katapangan, iminunagkahi ni Daniel ang isang simpleng pagsusulit upang mabawasana gn takot ni Ashpenaz at mapatunayan ang kanyang katapatan sa Diyos.

Maihahalintulad ko ito sa aking karanasan minsan sa aking buhay ay dinadanas ko ang matinding takot na ipamahagi ang salita ng Diyos subalit ang pinakamahalagang ginawa ko ay humingi ng dunong mual sa Panginoon at hayaang ang dunong niya ang dumaloy mula sa akin upang maipamahagi ko ang salita niya sa kahit kaninuman. At hindi ako nabigo ng Panginoon. OO nung umpisa at bago bago pa ako sa pananampalataya ay lubha ang aking pagka maattakuting ipamahagi ang salita ng Diyos sapagkat limitado pa lamang ang akign kaalaman sa Panginoon.

Tulad ni Daniel maaring humarap ka sa isang sitwasyon na humihingi ng isang espesyal na pagsukat  ng iyong katapangan. Ikaw ba sa paanong paraan mo naihahayag ang salita ng Diyos ng may buong tapang at may pusong gawin ang nais ng Diyos sa iyong buhay?