Halimbawa ng mga Ibon

Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni nag-aani o kaya’y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyog Ama na nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Mateo 6:26

Tulad ng mga ibang likha ng Diyos, ang ibon ay nakatanggap ng buhay mula sa Diyos. At ito’y kanyang binigan ng masaganang mapagkukunan ng pagkain at pakiramdam upang hanapin ang mga mapagkukunan ng mga ito para sa kanilang mga sarili at ng kanilang mga anak. Tinanong ng Panginoon si Job, “Sino ang nagbibigay ng pagkain sa mga ibon, sino ang bumubusog sa kanilang inakay na nagugutom? (Job 38:41). Ang malinaw na sagot ay: Ginagawa ito ng Diyos.

Kung maingat na nagbibigay ang Diyos sa mga nilalang tulad ng ibon, papaano pa sa pangangalaga niya sa kaniyang nilikha na ginawa pa niyang kawangis at kanyang magiging anak sa pamamagitan ng pananalig?

Hindi ibig sabihin nito na minumu gkahi niya na ang mga ibo  ay walang ginagawa upang pakainin ang sarili nila. Pero hindi sila nagaalala kung saan mangggaling  ang mga susunod na kakainin nila. Iniipon nila ang kanilang mga kakainin hanggang sa makaipon sila ng sapat, at maghahanap uli bilang pangdagdag sa kanilang pagkaing itina i.

Sa aking buhay maaari ko ito gawing halimbawa tulad ng hindi pagaalala ng mga ibon sa kanilang buhay at magpatibay ng katulad ng saloobin nila para sa aking sarili. Dumarating sa buhay ko na nag aalala ako noon kung paano ko magkakaron ng kakainin sa mga susunod na araw subalit simula ng makakilala ako sa Panginoon ay pinakita at pinamulat sa akin ng Panginoon na pag ika’y nanalig sa Kanya walang imposible na hindi niya punan ang mga pangangailangan mo sa buhay.  Isa sa halimbawa ko ay nung ako’y nangamba na pag umuwi ako ng bansang Pilipinas nung ako’y kasalukuyang nagtatrabaho sa Brunei nagaalala ko nung umpisa subalit sa huli iniaaalay ko ng buo ang aking tiwala sa Panginoon kala ko nung umpisa ay wala na akong trabahong makikita subalit napakabuti ng Panginoon sapagkat ako’y pinagkatiwalaan paden ng Kumpanyang aking pinagtrabahuhan sa Brunei kaya magpasa hanggang ngayun ay patuloy ang trabaho ko sakanila bilang freelance home based designer. Sa loob ng anim na taon malayo sa aking sariling bansa ay madami akong karanasan na nagtibay lalo sa aking pananalig sa Diyos. Lalo na sa trabaho, napakaraming pagsubok na dumaan at idinaan kolang sa tiwala sa Diyos na ang pagtitiis sa tuwa’t lungkot sa trabaho ay may katumbas na pagpapala sa Panginoon sa huli. Nagustuhan ng Boss ko ang trabaho ko at dahil dito nabigyan ako ng pagkakataon na magtrabaho sa kanla kahit ako’y nasa bahay lamang. Tulad ng ibon hindi ako naghantay lamang bagkus ako’y kumilos ng may kasamang pagtitiwala sa Diyos.

Ikaw ba naitanong monaba sa sarili mo ng paulit ulit kung bakit ang ibon ay hindi lang nakaupo at naghihintay ng kanilang pangangailangan? Kung iyong imumulat ang iyong mga mata sa umaga, makikita mo kung gaano kasipag ang mga ibon. Sa paanong paraan mo matutulungan ang iyong sarili upang lubusang maintindihan ang salita ni Jesus? Sa paanong paraan na ang katamaran at ibang pagkukulang mo saa mabuting karakter madadagdagan ang iyong lebel ng pangamba o pagaalala?

Advertisements

Ang Pangunahing Halimbawa (06012017)

1 PEDRO 2:23  Nang siya’y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto. Nang siya’y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol.

Jesus Christ, bilang walang salang nagdusa, ang katangi tanging modelo na ating kailangan habang ating tinittis ang pagsubok sa ating buhay.

Sino pa nga ba ang nararapat na ating gawing halimbawa sa ating buhay kung hindi walang iba ang ating tagapagligtas na si Jesus Christ.

Bago bawian ng buhay noong 1555 ang isang Ingles na Repormista at isang martir na si Hugh Latimer kanyang sinabi na may matibay na pananalig sa ganitong paraan: ” Mamatay tayong lahat sa hindi inaasahang lugar, oras, o panahong hindi natin nalalaman, HIndi ito ang ating tirahan habang buhay, kung kaya naman isaalang-alang ninyo ang mga bagay na ito, iyong ipokus ang mga mata sa Hereusalem na panglangit, at ang daan patungo rito ng mga persekusyon.” Alam ni Latimer kung paanong harapin ang  pagdurusa, subalit alam niyang mismong si Jesus ang pinakawakas na model sa kung sa papaanong paraan niya haharapain ang pagdurusa at kamatayan.

Tulad niya hindi ba’t dinanas ni Jesus ang lahat ng ito? Nakakapangilabot ang pisikal at berbal na pang aabuso kay Christ na tiniis niya nung siya’y napako sa krus, kasama ng mga masasamang pangyayari na hindi makatarungan, pero hindi siya gumanti. Bilang anak ng Diyos pinakita niya sa atin ang perpektong pagkokontrol sa damdamin at kapangyarihan na mayroon siya.

Nakita ni Jesus ang lakas upang tiisin ang pangaabuso at panghuling pagsubok  na kung saan Siya “Maingat na pinagkatiwala niya ng lahat sa Ama niyang makatwirang humahatol.”  Walang labis, si Jesus  ay patuloy na ibinibigay ang kanyang buhay at ang lahat ng pangyayari sa kasukdulan ng kanyang pagkamatay sa kalbaryo (Luke 23:46), patungo sa Ama. Ang Anak ay may ganap na tiwala sa Panginoon, na makatarungan at may tamang paghuhukom sa buong mundo (Genesis 18:25).

Maihahalintulad ko ito sa aking pang araw-araw na pamumuhay na kasama lagi ang Panginoon sa aking tabi.  Madalas nawawalan tayo ng pag-asa sa bawat pagsubok na dinaranas ko subalit maaari nating sundan ang halimbawang pinakita ni Jesus upang magtiis sa persekusyon at hindi makatarungang paghihirap ng hindi sumasagot pabalik sa ating dinaranas, maaring ito’y sa ating trabaho, sa kamag-anakan o pamilya, o sa kahit na anu mang pangyayari sa ating paligid. Ang susi lang naman dito ay simple lamang yun ay ipagkatiwala lamang ang ating buhay, sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa matuwid na Diyos na gagawin ang lahat ng tama at ituturo tayo ng ligtas sa kanyang kaluwalhatian (1Peter 5:6-10). Simula ng nakakilala ako sa Panginoon walang hirap at pagdurusa ang aking hindi kinaya kapag siya ang una kong tinatawaga t inaasahan.

Karamihan sa mga tauhan sa Bibliya ay nagtagumpay sa laban ng buhay maski sa kamatayan na ang tanging ginawa lamang ay ipako ang kanilang mga mata kay Jesus ang may akda at tagapagganap ng ating pananampalataya.

MGA HEBREO 12:2  Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo’y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos.

Tandaan naten na ang perpektong halimbawa ni Jesus sa pagharap sa pinakamasamang sakit at paghihirap na kanyang dinanas ay ang pagtawag niya sa Panginoon upang tulungan siya. Matanong kita. Sa pangaraw araw mong karanasan sa mga normal na pagharap sa kahirapan at hamon ng buhay, lumapit ka ba sa Panginoon upang humingi ng tulong?  O pinipilit mo ang iyong sarili na solusyunan ito ng mag-isa? Tandaan mo na hindi mo ito kakayanin nang wala siya.

 

Pagtingin sa Hinaharap (5312017)

2 CORINTO 4:17  Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad.

Napakadaling tiisin ang pagsubok kung ating pahahalagahan ang hinaharap kaysa sa kasalukuyan.

Natatandaan ko pa nung mapanood ko yung palabas na “Back to the Future” na kung saan umiikot ang istorya sa posibilidad  na makapaggala gala ka hindi lang kung saan kundi sa oras na naisin mo kasama na ang nakaraan at ang hinaharap.  Ang tema ng palabas na ito’y  nagpapakita ng komplikasyon kung pakikialaman ang magaganap sa hinaharap, mainam pang mabuhay sa kasalukuyan. Ang mga manonood  ay maaaring magpahiwatig na sa huli na hindi mahalaga na tayo’y magpokus lamang sa hinaharap.

Ito’y kabaligtaran sa kung anong palagay ni Apostol Pablo sa hinaharap. Kanyang inaksyunan agad ang kasiguraduhan kung anong naghahantay sa lahat ng mananamapalataya para sa buhay na darating sa hinaharap. Para kay Pablo, ang kahalagahan ng hinaharap ang isa sa napakaimportanteng rason kung bakit niya kinakaya ang paghihirap at pagsubok na kanyang dinadanas. Ang pansamantalang sakit para sa kanya at sa atin ay hindi makatwiran kumpara sa kung anong nagiintay sa atin sa kaharian ng Panginoon.

2ROMA 8:18 Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ipahahayag sa atin balang araw.

Hindi mahalaga para sa akin ang pagsubok at hirap na kasalukuyang dumarating sa aking buhay kung aking aalalahanin ang pangako ng Panginoon. Ipinakita sa akin ng Panginoon na ang tunay na kahalagahan ay isa lamang kontribusyon sa ating kaluwalhatiang walang hanggan. Kumbaga ang pagsubok at paghihirap na aking kinakaya sa araw araw ay direktang nakadugtong sa ating walang hanggang gantimpala. Ang gantimpalang iyon ay hindi lamang panlabas na mga bonus tulad ng magarang korona, maayos at naggagandahang damit, o malaking mansion sa langit.  Sa halip, ito’y tumutukoy  sa ating karagdagang kapasidad na magpuri, magsilbi at upang luwalhatiin ang Diyos. Ito ang nakatulong upang punan ang pinakadakilang pagnanais ni Pablo at makaya niya at magalak na pagtiyagaan ang bawat pagsubok at ito ang halimbawang nais niyang ipabatid at ating tularan para sa ating mananampalataya.

Lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon sapagkat tulad ni Apostol Pablo sa aking buhay simula ng aking makilala ang Panginoon walang pagsubok at paghihirap ang aking hindi kinaya sa tulong ng makapangyaring Panginoon.

Matanong kita ano ang sinasabi ni Pablo tungkol sa pag-asa na mayroon ka ngayun upang makayanan mo ang lahat ng hirap at pagsubok sa buhay? Kanino ka lumalapit para makayanan mo ang lahat ng ito?