Pagtanggap sa Salita ng may Kapakumbabaan

SANTIAGO 1:21 Kaya’t talikuran na ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal. Mapagpakumbabang tanggapin ninyo ang salitang itinanim sa inyong puso. Ito ay may kakayahang magligtas sa inyo.

Sinasaad sa kasulatan nakalipas, kasalukuyan at hinaharap na aspeto ng kaligtasan. Ikaw ay nailigtas mula sa parusa ng kasalanan (Kaligtasan) at sa pagkakaligtas mula sa kapangyarihan ng kasalanan (Pagpapakabanal), at sa huli ay maililigtas mula sa presensiya ng kasalanan (Pagkaluwalhati). Sa unang tingin sa Santiago 1:21 maaaring magtunog ito na naisulat para sa mag hindi mananampalatay,  hinihimok sila na tumanggap sa salita ng Diyos, na may kakayahang magligtas sa kanila. Pero ang kasabihang “iligtas mo ang iyong kaluluwa” at nagdadala ng ideya na ang itinanim na Salita ay ang patuloy makapangyarihan upang patuloy na makaligtas ng isang kaluluwa. Ito ang kanilang batayan sa kasalukuyan at patuloy na proseso ng pagpapakabanal, na kung saan ay inalagaan tayo ng pinalakas-na-espiritong Salita ng Diyos.

Ang salita ng Diyos ay nakatanim sa kailalimlaliman mo sa pamamagitan ng banal na Espirito sa oras ng iyong kaligtasan. Ito ang dahilan  o pinagngagalingan ng iyong paglago bilang Kristiyano sa bagong buhay kasama si Kristo. Ang ating repsonsibilidad ay tumanggap ng kadalisayan at kapakumbabaan upang maisakatuparan niya ang gawaing pagpapakabanal.

Nung mabasa ko ang sinabi ni Hesus na “Kung mahal mo ako, susundin mo ang aking kautusan” (Juan 14:15, siya mismo ang nagsasalita sa paksang ito. Kung mahal natin siya mayroon tayong pagnanais na sundin siya at tumanggap ng salita niya upang maiparating sa atin gn Panginoon ang plano niya sa atin. Sa pagtanggap naten  sa salita niya, ang Banal na Espirito ang nagpapalakas sa atin upang mamuhay ng naayon sa alituntunin ng Panginoon.

IKA NGA NI PABLO 3:16-17  Ang salita ni Cristo’y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa’t isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya’y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Maihahalintulad ko ito sa aking karanasan nung aking pilit na tinatanggihan ang salita niya. Lubhang napakabuti ng Panginoon at pinagtyagaan niya ang isang tulad ko na turuan at ipaalam kung ano ang totoo. Lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon sa pagbibigay niya ng madaling turuang espirito at patuloy na pagtaas ng pag-ibig para sa kanyang katotohanan. Nung natuto ako magpakumbaba dun ko mas nakilala at pinamulat sa akin ng Panginoon ang totoo at tunay na pagkilala sa katauhan ng aking tagapagligtas, ang pinakamakapangyarihang Diyos.

Matanong kita, minsan kana bang lumapit sa Panginoon upang humiling sa kaniya na mapanatiling malambot ang iyong puso patungo kay Kristo at sa kaniyang mga Salita? Kung hindi pa ito na ang tamang panahon.

Advertisements

Si Jesus at ang Pag-aayuno (06032017)

MATEO 6:16  Kapag kayo’y nag-aayuno, huwag kayong magmukhang malungkot tulad ng mga mapagkunwari. Hindi sila nag-aayos ng sarili upang mapansin ng mga tao na sila’y nag-aayuno. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.

Ang greek word na “fast” sa salita na fasting o pag-aayuno sa tagalog ay nangangahulugan na hindi kumain, o magpigil kumain. Pero nung panahon ni Christ, ang pag-aayuno ay maling nagamit at nabaluktot sa kabila ng kung ano ang sinasabi sa banal na kasulatan na may katapatan. Ang pag-aauyuno ay naging ritwal na para sa kanila upang makakuha ng merito sa Panginoon at atensyon para sa mga tao – ito’y higit sa lahat na pagpapakita ng mapagkunwaring relihiyosong gawain.

Marami sa mga Pariseo ang nag-aayuno ng dalawang beses sa isang linggo (Luke 18:12), karaniwan ay sa pangalawa o panglimang araw sa loob ng isang linggo. Pinipili nila ang mga araw na iyon ayon sa kanila sa kadahilanang natanggap nila mula kay Moses ang tabletas ng batas galing sa Panginoon sa bundok Sinai. Ngunit sumabay din ito sa dalawang pangunahing araw ng pamilihan/merkado ng mga Hudyo, kapag ang mga lungsod at bayan ay napupuno ng mga magsasaka, mangangalakal, at mamimili, na kung saan ang mga pampublikong pag-aayuno ay makatatanggap ng naglalakihang tagapanood.

Para sa mga gustong tumawag ng atensyon sa kanilang pag-aayuno ay “ipinapakita na nila ang kanilang  malungkot na mukha” at “pagpapakita ng kapabayaan sa kanilang panlabas na kasuotan upang mas higit na kapansin-pansin sila ng lahat ng tao roon na nag-aayuno.” magususot sila ng mga lumang kasuotan, minsan pa nga’y gulagulanit na at maduming kasuotan, hindi maayos na buhok, pagtatakip ng dumi at abo sa knilang mukha, at madalas na gumagamit ng makeup upang sila’y magmukang maputla at sakitin.

Maihahalintulad ko ito sa aking mga naging karanasan noon  sa pamamgitan ng pag-iisip kong  napakabuti kong tao kaysa sa iba sa pamamagitan ng madalas kong pagkanta sa simbahan at pakikisama sa mga youth organization ng simbahan. Iniisip ko na iba ako at malakas ang kapit ko sa Diyos kaysa sa mga kabataang hindi naglilingkod sa Panginoon dahil sa pagiging aktibo sa simbahan. Mataas ang tingin ko sa sarili ko kung ikukumpara ko sa ibang kabataan. Dahil naden sa mga ibinigay ng Diyos na Subalit ngayong namulat na ako sa Panginoon ay ipinamukha sa akin ng Panginoon na mali ang lahat ng aking iniisip. Para pala sa Panginoon ang ganitong gawi ng pag-aayuno ay paimbabaw at isang pangungutya. Ang mga taong iyon na kinondena ni Jesus sa pag-aayuno “para lamang makita ng tao” ay mapagpanggap na matuwid. Ang Diyos ay may maliit na pag-aalala sa kanilang motibo o sa kanilang iniisip, at walang matatanggap na gantimpala. Ang gantimpalang kanilang nais ay ang pagkilala ng mga tao, at iyon nga ang kanilang nakuha.

Itanong mo nga sa iyong sarili. Minsan ba ay nakaramdam ka na ikaw ay mas nakakataas sa iba sa pamamagitan ng iyong tapat na paraan ng iyong pananampalataya sa pamamagitan ng pagsunod sa iba’t ibang espiritwal na disiplina at gawaing pangrelihiyoso?  Ano ang nagagawa ng mga ganitong pakiramdam na pagmamalaki at pagtutulad ay nakapagpapalayo sa iyo para sa kadalisayan ng iyong oras sa Panginoon? Sa paanong paraan ito nakasasagabal sa iyong pagsamba?