Halimbawa ng mga Ibon

Applying the Word Without Delay

“If anyone is a hearer of the word and not a doer, he is like a man who looks at his natural face in a mirror; for once he has looked at himself and gone away, he has immediately forgotten what kind of person he was” (James 1:23-24).

Always respond immediately to what you know to be God’s will for you.

Men, have you ever been at work and touched your face, only to realize that you forgot to shave? Perhaps you were distracted by your wife’s call to breakfast or by one of the kids. Ladies, have you ever been out in public and suddenly realized that you forgot to apply some of your makeup? Those are common occurrences that illustrate what it means to hear God’s Word but fail to respond.

James 1:23 says, “If anyone is a hearer of the word and not a doer, he is like a man who looks at his natural face in a mirror.” “Looks” doesn’t refer to a casual glance but to a careful, cautious, observant stare. This person is taking a good, long look at himself. Hearers of the Word are not necessarily superficial or casual in their approach to Scripture. They can be serious students of the Word. The fact is, some seminary professors or Sunday School teachers are not true believers. Some even write commentaries and other Bible reference works. Your response to the Word—not your depth of study alone—is the issue with God.

Despite the hearer’s lingering look, he failed to respond and the image reflected in the mirror soon faded. That’s reminiscent of Jesus saying, “When anyone hears the word of the kingdom, and does not understand it, the evil one comes and snatches away what has been sown in his heart” (Matt. 13:19). The Word was sown but it bore no fruit. The man looked into the mirror but he made no corrections.

Perhaps there’s something God’s Word is instructing you to do that you’ve been putting off. If so, delay no longer. Don’t be a forgetful hearer!

Suggestions for Prayer

Ask God to teach you to be more disciplined in responding to the dictates of His Word.

 

 

 

June 10 – Example of the Birds

“‘Look at the birds of the air, that they do not sow, nor reap nor gather into barns,and yet your heavenly Father feeds them. Are you not worth much more than they?’” (Matthew 6:26).

Many birds live in northern Galilee, and it’s likely some flew by as Jesus was teaching. As an object lesson, Jesus called attention to the fact that birds do not have intricate and involved processes for acquiring food.

Like every creature, birds receive their life from God. And He provides them with an abundance of food resources and the instinct to find those resources for themselves and their offspring. The Lord asked Job, “Who prepares for the raven its nourishment when its young cry to God?” (Job 38:41). The obvious answer is: God does.

If God is so careful to provide for such relatively insignificant creatures as birds, how much more will He take care of those He created in His own image and who have become His children through faith?

This doesn’t mean Jesus is suggesting that birds do nothing to feed themselves. But they never worry about where their next meal is going to come from. They gather food until they have enough, and then go about whatever other business they may have until time for the next meal.

Use this example of a bird’s worry-free life and adopt the same attitude for yourself.

Ask Yourself

It really is worth reiterating that birds don’t sit around waiting for their needs to be met. Keep your eye to an open window one morning, and you’ll see just how industrious they are. How does this help you understand Jesus’ words better? In what ways have laziness and other lacks of good character increased your worry quotient?

Ang paghahanap sa kaharian ng Diyos

Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos][e] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito. Mateo 6:33

Kapag ang Kristiyano ay nag-isip ng tulad sa mundo at manabik ng labis sa mga bagay na mayroon ang mundo, sila ay magaalala rin tulad ng mundo, dahil ang isipang hindi nakatutok sa Diyos ay isang isipang  nagiging sanhi na nagbibigay dahilan upang mag-alala. Ang matapat, mapagkakatiwalaan at makatwirang Kristiyano ay “nasasabik para sa wala, maliban sa pananalangin at pagsamo nang may pagpapasalamat [hayaan ang kanyang] kahilingan ay ipaalam sa Panginoon” (Phil.4:6)

Mula ng ako’y minulat ng Panginoon ang daming pagpapala at gantimpala ang kanyang ibinigay sa akin. Masasabi kong sa lakad kong Kristiyano may mga bagay na hindi mo paden maiwasang gawin tulad ng pag-aalala subalit bago matapos ang araw ay pinapakita na sayo ng banal na espiritong nananahan na sa iyo na hindi na dapat mag-alala ang tulad kong pinatawad na ng Panginoon. Isa sa  masasbi kong panlunas sa aking pag-aalala na nagreresulta ng kakontentuhan sa buhay ay ang gawing unang prayoridad ang Panginoon at ang kanyang kaharian. Ika nga ni Jesus “Kaysa hanapin at mag-alala ka sa kakainin mo, iinumin at isusuot mo tulad ng ginagawa ng mga hindi m=nanamplaataya, ay ituon ang iyong atensyon at inaasahan sa mga bagay ng Panginoon, at Siya na ang bahalang mag-alaga sa lahat ng iyong pangangailangan.” At ito’y patuloy kong nararanasan sa walang tigil niyang pag-aalaga sa akin.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng Hanapin muna ang kaharian ng Diyos? ito’y nangangahulugan na pagkatalo ng ating mga sarili sa pagsunod sa Panginoon at ibuhos ang ting buhay sa mga walang katapusang trabaho ng ating Ama sa langit. Ang paghahanap sa Kaharian ng Diyos ay  paghahanap upang makapanalo ng mga tao para sa Kaharian ng Diyos upang sila din ay maligtas at upang  ang Diyos ay luwalhatiin.

Naitanong mo na ba sa iyong sarili na ang paghahanap muna sa kaharian ng Diyos ay sadyang isa lamang maliit na bahagi ng pangkaisipang salawikain natin hanggang sa maipaliwanag naten ang kahulugan nito sa totoong buhay, o pang araw araw na tuntunin. Bakit hindi mo hayaang maglaan nang oras ngayun din kung ano ang itsura ng pagpaprayoridad sa kaharian ng Diyos tulad ng sa bahay, sa trabaho, sa simbahan, sa dyim, sa palengke, at kahit saan mang lugar dalhin ka ng iyong pangaraw araw na kaugaliang pamamaraan.

Ang pagaalala ay hindi isang walang kwentang kasalanan

Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya! – Mateo 6:30

Ang pag-aalala ay pagdedeklara na ang ating Ama na nasa langit ay hindi karapat-dapat sa pagtitiwala. Ang paghahayag ng paniniwala na walang pagkakamali ang Salita ng Diyos subalit sa mga susunod na kaganapan ay nagpapakita ka paden ng pag-aalala ay pagpapakita ng pagtanggi sa sinasabi mong paniniwala. Ang Pag-aalala ay ipinapakita sa atin na tayo ay nalupig ng ating kalagayan at ng ating sariling may hangganang pananaw at pag-unawa sa halip na Salita ng Diyos. Ang pag-aalala ay hindi lamang nakapanghihina at nakakasira subalit ito’y maninira ng puri at pagaalinlangan sa Diyos.

Isang halimbawa na lamang sa aking sariling karanasan ang mga nanamaplataya na hindi madalas sariwa ang salita ng Diyos at hindi madalas magbasa ng Salita ng Diyos araw-araw sa isip at puso, si Satan ay gumagalaw na humihigop at nagtatanim ng pag-aalala sa atin. Madalas sa aking karanasan ay nakakaranas ng pag-aalala subalit sa tuwing naalala ko ang kabutihan ng Panginoon at pagliligtas Niya sa akin ay winawaksi nito ang aking pag-aalala.  At ang pag-aaalala ang nagtutulak upang lumayo ang Panginoon sa ating isipan.

Pinayuhan tayo ni Apostol Pablo tulad ng ginawa niya sa Efeso,”Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga puso upang malaman ninyo ang pag-asa na para doon ay tinawag niya kayo, kung gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal, at kung ano ang di-masukat niyang kapangyarihan na kumikilos sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang dakilang kapangyarihan ding iyon” (Efeso 1:18-19)

Ikaw ba naitanong mona ba sa sarili mo kung gaano kalakas ang Panginoon para hindi mo isuko sa kaniya ang lahat ng iyong pag-aalala? Sinasabi mo bang ika’y nanalig sa Diyos subalit may agam-agam paden sa iyo?

Ang pagkamatapat ang mga Resulta ng Masaganang Paglilingkod

Naglingkod si Daniel doon hanggang sa unang taon ng paghahari ni Ciro. – Daniel 1:21
Ang mga taong may integridad ay mga taong may makahulugang espiritwal na impluwensya.
Ang buhay ni Daniel ay isa sa may pinakamalaking impluwensya, na nagsimula nung siya ay bata pa at piniling mangako o panghawakan ang paniniwala niya sa Diyos kaysa sa makompromiso ang kanyang pananalig. Siya ay may kakarampot na katapatan, at binigyan lamang ng Diyos ng labis. Siguro ang iba sa mga Kristiyano ay naimpluwensyahan tulad ng tinamasa ni Daniel subalit ang bawat Kristiyano ay nararapat lamang na may pagpapasya. Tandaan, ang mga bagay na iyong dinisisyunan para kay Kristo ngayon ay direktang babagsak sa impluwensyang mayroon ka para sa Kanya sa mga darating na panahon. Nararapat lamang na tayo ay mamuhay sa bawat araw upang marinig ang boses ng Panginoon na nagsasabing ” Magaling, mabuti at tapat kong lingkod; ikaw ay naging matapat sa iilang bagay, ikaw ay aking pamumunuan sa maraming bagay, pumasok ka para sa ikakasiya ng iyong Master” (Mateo 25:23)
Sa pang-araw araw kong pamumuhay bilang Kristiyano nakikita ko at nararanasan mismo ang katapatan ng Panginoon sa akin. Papaanong hindi mo ibabalik sa Panginoon ang katapatan niya sa kaniyang mga pangako. Sa paanong paraan? sa pamamagitan ng paglilingkod sa kaniya ng tapat sa pamamagitan ng pamamahagi ng salita Niya. Nakakaranas ako madalas ng mga sitwasyon sa buhay ko na sumusukat kung gaano katatag ang ang paniniwala sa Kaniya. Mga pagsubok na akala mo minsan at wala na ang Panginoon sa iyong tabi subalit pinaparamdam niya ang kaniyang presensya hindi lamang sa araw na masaya lang kundi lalo na sa oras ng kalungkutan. Lubos akong nagpapasalamat sapagkat alam kong kulang pa ang aking kaalaman patungkol sa Diyos at dahil dito patuloy niya itong dinaragdagan ng lubos pa sa inaasahan ko. Isang Halimbawa nito ay pagdating sa pagkanta ng worship song. May mga nota na napakahirap abutin at kabisaduhin subalit pag nahihirapan ako isang tawag lamang sa Panginoon siya na ang bahala na bigyan ako ng dunong o kakayahan upang aking maihanda ang akign isipan at sarili para makuha ng tama ito.
 
Ikaw naitanong mona ba sa Panginoon na gabayan niya ang iyong pagkamatapat, upang ang iyong impluwensya para sa Kaniya ay mas maging matatag at lumago pa? O iniiisip mong sapat na ang nalalaman mo at malago kana? Tandaan ang lakad kasama si Kristo ay walang katapusan hanggat wala pa tayo kasama niya at habang naririto pa sa mundong ito ang ating kaalaman ay hindi matatapos ng tayo’y tumanggap lamang.

Ang Halimbawa ng mga Bulaklak

“At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit nang singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya! Mateo 6:28-30

Tinutukoy ni Jesus dito na pagmasdan natin ang ating kapaligiran, sa oras na ito sa mga bulaklak, upang siguraduhin sila ng pagmamalasakit at pagsagot sa pangangailangan sa tulong ng Diyos.

 

Ang punto dito ay hindi lamang si Solomon, ang isa sa pinakamaringal na hari na nakilala sa mundo, kaya niyang damitan ang sarili niya tulad ng isa sa mga bulaklak na malagong lumalaki sa dalisdis ng burol.

Kung sinabi ni Jesus ang mga ito para sa mga isang simpleng pananamit ay huwag tayong mag-alala sa ting susuotin, ano ang sasabihin niya sa atin? Kung kinaya nga ng Panginoon na kulayan ng berde ang palayan ng mga damo nang ganun kaganda at bigyan ng maiksing buhay ang naggagandahang bulaklak, paano pa kaya sa atin para tayo ay damitan niya at ingatan  na tuald ng kanyang sariling mga anak?

Sa buhay ko simula ng makakailala sa kanya walang araw na hindi niya ako pinabayaan kasmaa ng aking mga kasama sa bahay. Walang araw na hindi niya nakalimutang alagaan ang isang tulad kong malaki ang pagkakasala sa Panginoon. Hindi man limpak limpak na salapi ang meron ako subalit hindi niya ako pinababayaan at kinakalimutan. Lahat ng pangangailangan at kanyang binibigay upang patuloy na mabuhay sa mundong to. Lalong lalo na sa katatapos na Aniiversary ng aming Church. Pinakita sa amin ng Panginoon ang kapangyarihan niya sa pagbibigay ng mga taong tutulong dito para maging matagumpay ito.

Itanong  mo ito sa iyong sarili. Sa paanong paraan mo naipapakita sa Panginoon ang pagpapahalaga mo sa mga kalikasang kanyang ginawa? Ang kalikasan ay sadyang panay ang pagalala sa atin hindi lamang sa kniyang likas na kamangha-mangha at marangya ang pagkakagawa ng Panginoon, ito’y ginawa niya upang ibigay sa atin ang ating pang-araw araw na pangangailangan. Ang likhang ito ng Panginoon at regalo para sa atin, dinisenyo niya ito upang tulungan tayo na gamitin nten bilang ating pangunahing pangangailangan upang mabuhay sa mundo. 

 

Halimbawa ng mga Ibon

Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni nag-aani o kaya’y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyog Ama na nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Mateo 6:26

Tulad ng mga ibang likha ng Diyos, ang ibon ay nakatanggap ng buhay mula sa Diyos. At ito’y kanyang binigan ng masaganang mapagkukunan ng pagkain at pakiramdam upang hanapin ang mga mapagkukunan ng mga ito para sa kanilang mga sarili at ng kanilang mga anak. Tinanong ng Panginoon si Job, “Sino ang nagbibigay ng pagkain sa mga ibon, sino ang bumubusog sa kanilang inakay na nagugutom? (Job 38:41). Ang malinaw na sagot ay: Ginagawa ito ng Diyos.

Kung maingat na nagbibigay ang Diyos sa mga nilalang tulad ng ibon, papaano pa sa pangangalaga niya sa kaniyang nilikha na ginawa pa niyang kawangis at kanyang magiging anak sa pamamagitan ng pananalig?

Hindi ibig sabihin nito na minumu gkahi niya na ang mga ibo  ay walang ginagawa upang pakainin ang sarili nila. Pero hindi sila nagaalala kung saan mangggaling  ang mga susunod na kakainin nila. Iniipon nila ang kanilang mga kakainin hanggang sa makaipon sila ng sapat, at maghahanap uli bilang pangdagdag sa kanilang pagkaing itina i.

Sa aking buhay maaari ko ito gawing halimbawa tulad ng hindi pagaalala ng mga ibon sa kanilang buhay at magpatibay ng katulad ng saloobin nila para sa aking sarili. Dumarating sa buhay ko na nag aalala ako noon kung paano ko magkakaron ng kakainin sa mga susunod na araw subalit simula ng makakilala ako sa Panginoon ay pinakita at pinamulat sa akin ng Panginoon na pag ika’y nanalig sa Kanya walang imposible na hindi niya punan ang mga pangangailangan mo sa buhay.  Isa sa halimbawa ko ay nung ako’y nangamba na pag umuwi ako ng bansang Pilipinas nung ako’y kasalukuyang nagtatrabaho sa Brunei nagaalala ko nung umpisa subalit sa huli iniaaalay ko ng buo ang aking tiwala sa Panginoon kala ko nung umpisa ay wala na akong trabahong makikita subalit napakabuti ng Panginoon sapagkat ako’y pinagkatiwalaan paden ng Kumpanyang aking pinagtrabahuhan sa Brunei kaya magpasa hanggang ngayun ay patuloy ang trabaho ko sakanila bilang freelance home based designer. Sa loob ng anim na taon malayo sa aking sariling bansa ay madami akong karanasan na nagtibay lalo sa aking pananalig sa Diyos. Lalo na sa trabaho, napakaraming pagsubok na dumaan at idinaan kolang sa tiwala sa Diyos na ang pagtitiis sa tuwa’t lungkot sa trabaho ay may katumbas na pagpapala sa Panginoon sa huli. Nagustuhan ng Boss ko ang trabaho ko at dahil dito nabigyan ako ng pagkakataon na magtrabaho sa kanla kahit ako’y nasa bahay lamang. Tulad ng ibon hindi ako naghantay lamang bagkus ako’y kumilos ng may kasamang pagtitiwala sa Diyos.

Ikaw ba naitanong monaba sa sarili mo ng paulit ulit kung bakit ang ibon ay hindi lang nakaupo at naghihintay ng kanilang pangangailangan? Kung iyong imumulat ang iyong mga mata sa umaga, makikita mo kung gaano kasipag ang mga ibon. Sa paanong paraan mo matutulungan ang iyong sarili upang lubusang maintindihan ang salita ni Jesus? Sa paanong paraan na ang katamaran at ibang pagkukulang mo saa mabuting karakter madadagdagan ang iyong lebel ng pangamba o pagaalala?

Ang Pagaalala ay isang Kasalanan

MATEO 6:25 Kaya’t sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin][a] upang kayo’y mabuhay o kaya’y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba’t ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit?

Para sa mga Kristiyano ang pag-aalala ay isang pagsuway at hindi pagiging tapat sa Panginoon. Walang bagay sa ating buhay, panlabas man o panloob, mapapawalang-sala ang ating pagkabalisa lalo pa’t ang aming Master ay ang ating Panginoon.

Ang pag-aalala ay isa lamang kasalanan sa hindi naten pagtitiwala sa pangako at kalooban ng ating Diyos, Gayunpaman ito’y kasalanan para sa mga Kristiyano. Sa salitang Griyego, ang pangunahing utos ni Jesus ay kinabiiblangan ng mga ideya ng pagpapahinto sa kung ano ang ginagawa nating pag-aalala.

Kung ang pag-aalala ay kasama sa pang-araw-araw mong pamumuhay, nararapat lamang na ihinto muna ito.  Simula nang ako’y nakakilala sa Panginoon. napakalaking pagbabago ang aking naranasan at patuloy na nararanasan sa pagtitiwala sa Panginoon. Naririyan ang dumating ang oras na nagigpit kame sa pera at hindi na malaman kugn saan pa kukuha ng mahihiraman subalit pag ipinagkatiwala mo pala sa Panginoon ay lubhang ipinapakita niya kugn gaano siya makapangyarihan sa pagbibigay ng pangangailangan ng kanyang mga minamahal na nilalang. May mga imposibleng bagay na nararanasan ko nameng mag-asawa na tanging ang Panginoon ang nagbibigay solusyon. Sadyang napakabuti ng Panginoon at dahil dito lalo ko Siyang minamahal sapagkat una niya pinaparamdam kugn gaano Siya magmahal sa mga taong umaasa lamang sa Kaniya.

Matanong nga kita? Sa papaanong paraan mo ba maikakategorya ang sarili mo pagdating sa usapin ng PAG-AALALA? MAiisip mo ba na piliin ang kaluwagan sa pag-aalala sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos? Kung hindi naman anong pumipigil sa puso mo na paboran na mabawasan ang iyong pag-aalala sa buhay at pagkakaroon ng malakas na tiwala at kakontentuhan sa buhay?

 

Nang malupig ng katapangan ang takot

Daniel 1-10-14 Ngunit sinabi niya kay Daniel, “Natatakot lamang ako sa gagawin sa akin ng mahal na hari na naglalaan ng pagkain at inumin ninyo kapag nakita niyang mas mahina kayo kaysa sa ibang mga kabataan na kasing-edad ninyo. Tiyak na papupugutan niya ako ng ulo.” Dahil dito, lumapit si Daniel sa bantay na pinagkatiwalaan ni Aspenaz na mangalaga sa kanya at sa tatlo niyang kaibigan. Pakiusap niya, “Subukin ninyo kami sa loob ng sampung araw. Gulay lang at tubig ang ibigay ninyo sa amin. Pagkatapos, ihambing ninyo kami sa mga kasing-edad namin na pinapakain ninyo ng pagkaing bigay ng hari at gawin ninyo sa amin ang nararapat.” Sinubok nga sila sa loob ng sampung araw.

Ang mga taong may biblikal na integridad ay may posibilidad na maging mga taong walang takot at may likas na katapangan.

Isa sa pangunahin at paborito kong subject sa school ay history. Na nadala ko sa pagmamahal na magbasa ng mga talambuhay ng mga pinakamagaling na misyonaryo at iba pang maka Diyos na tao na kung saan ang kanilang buhay ay masasalamin ang mga pambihirang pangako kay Kristo na kung saan ang kanilang katapangan sa harap ng mahirap na sitwasyon sa kanilang buhay ang natakdang magbukod sa kanila sa karamihan.  Si Daniel ay tulad ng isang tao. Mula sa kaniyang pagkabata ay kinalulugdan niya ang mga gawaing nakalulugod sa Panginoon at ipahayag ang salita ng Diyos ng may katapangan. Ipinamahagi niya ang sinabi ni David sa:

David 40:17 Ako ma’y mahirap at maraming kailangan, subalit hindi mo kinalilimutan. Ikaw ang tulong ko, at tagapagligtas— Yahweh, aking Diyos, huwag ka nang magtagal!

Kabaligtaran sa katapangan ni Daniel ay ang matinding takot ni Ashpenaz sa desisyon ng mga Hudyong hindi kumain maliban sa gulay sa loob ng sampung araw. Lubha siyang nag-aaalala na baka magmukang sakitin at walang buhay ang mga ito sa harapan ng hari at pag nangyari iyon ay kamatayan mula sa Hari ang parusa. Sa karakter ni Daniel dito pinapakita ang kanyang dunong na mula sa Diyos at katapangan, iminunagkahi ni Daniel ang isang simpleng pagsusulit upang mabawasana gn takot ni Ashpenaz at mapatunayan ang kanyang katapatan sa Diyos.

Maihahalintulad ko ito sa aking karanasan minsan sa aking buhay ay dinadanas ko ang matinding takot na ipamahagi ang salita ng Diyos subalit ang pinakamahalagang ginawa ko ay humingi ng dunong mual sa Panginoon at hayaang ang dunong niya ang dumaloy mula sa akin upang maipamahagi ko ang salita niya sa kahit kaninuman. At hindi ako nabigo ng Panginoon. OO nung umpisa at bago bago pa ako sa pananampalataya ay lubha ang aking pagka maattakuting ipamahagi ang salita ng Diyos sapagkat limitado pa lamang ang akign kaalaman sa Panginoon.

Tulad ni Daniel maaring humarap ka sa isang sitwasyon na humihingi ng isang espesyal na pagsukat  ng iyong katapangan. Ikaw ba sa paanong paraan mo naihahayag ang salita ng Diyos ng may buong tapang at may pusong gawin ang nais ng Diyos sa iyong buhay?

 

Pagtanggap sa Salita ng may Kapakumbabaan

SANTIAGO 1:21 Kaya’t talikuran na ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal. Mapagpakumbabang tanggapin ninyo ang salitang itinanim sa inyong puso. Ito ay may kakayahang magligtas sa inyo.

Sinasaad sa kasulatan nakalipas, kasalukuyan at hinaharap na aspeto ng kaligtasan. Ikaw ay nailigtas mula sa parusa ng kasalanan (Kaligtasan) at sa pagkakaligtas mula sa kapangyarihan ng kasalanan (Pagpapakabanal), at sa huli ay maililigtas mula sa presensiya ng kasalanan (Pagkaluwalhati). Sa unang tingin sa Santiago 1:21 maaaring magtunog ito na naisulat para sa mag hindi mananampalatay,  hinihimok sila na tumanggap sa salita ng Diyos, na may kakayahang magligtas sa kanila. Pero ang kasabihang “iligtas mo ang iyong kaluluwa” at nagdadala ng ideya na ang itinanim na Salita ay ang patuloy makapangyarihan upang patuloy na makaligtas ng isang kaluluwa. Ito ang kanilang batayan sa kasalukuyan at patuloy na proseso ng pagpapakabanal, na kung saan ay inalagaan tayo ng pinalakas-na-espiritong Salita ng Diyos.

Ang salita ng Diyos ay nakatanim sa kailalimlaliman mo sa pamamagitan ng banal na Espirito sa oras ng iyong kaligtasan. Ito ang dahilan  o pinagngagalingan ng iyong paglago bilang Kristiyano sa bagong buhay kasama si Kristo. Ang ating repsonsibilidad ay tumanggap ng kadalisayan at kapakumbabaan upang maisakatuparan niya ang gawaing pagpapakabanal.

Nung mabasa ko ang sinabi ni Hesus na “Kung mahal mo ako, susundin mo ang aking kautusan” (Juan 14:15, siya mismo ang nagsasalita sa paksang ito. Kung mahal natin siya mayroon tayong pagnanais na sundin siya at tumanggap ng salita niya upang maiparating sa atin gn Panginoon ang plano niya sa atin. Sa pagtanggap naten  sa salita niya, ang Banal na Espirito ang nagpapalakas sa atin upang mamuhay ng naayon sa alituntunin ng Panginoon.

IKA NGA NI PABLO 3:16-17  Ang salita ni Cristo’y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa’t isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya’y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Maihahalintulad ko ito sa aking karanasan nung aking pilit na tinatanggihan ang salita niya. Lubhang napakabuti ng Panginoon at pinagtyagaan niya ang isang tulad ko na turuan at ipaalam kung ano ang totoo. Lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon sa pagbibigay niya ng madaling turuang espirito at patuloy na pagtaas ng pag-ibig para sa kanyang katotohanan. Nung natuto ako magpakumbaba dun ko mas nakilala at pinamulat sa akin ng Panginoon ang totoo at tunay na pagkilala sa katauhan ng aking tagapagligtas, ang pinakamakapangyarihang Diyos.

Matanong kita, minsan kana bang lumapit sa Panginoon upang humiling sa kaniya na mapanatiling malambot ang iyong puso patungo kay Kristo at sa kaniyang mga Salita? Kung hindi pa ito na ang tamang panahon.

Ang matalinong paggamit sa kasaganaan (06062017)

MATEO 6:19-21 Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw.  Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”

May isang mahusay na posibleng pangyayari na ang iyong pag-aari ay iyong maging dios-diosan kapag makaipon ka ng mga ito para sa iyong sarili. Subalit ang mga ari-arian na matalino, maluwag sa kalooban, at bukas palad mong ginamit para sa layunin ng kaharian ay maaaring maging isang paraan upang magtamo nang makalangit na pag-aari. Kapag sila ay itinago at itinabi, hindi lamang sila magiging hadlang sayong espiritwal kundi napaiilalim sa pagkawala sa pamamagitan ng kalawang at magnanakaw.

Noong sinaunang panahon, ang yaman ng tao ay madalas nasusukat sa bahagi ng kanilang kasuotan. Ang may pinakamahusay na mga damit na gawa sa lana, na kung saang mga insektong tanga ay gustong-gustong kainin.

Ang kayamanan ay madalas din na maihalintulad sa pagkakaron ng madaming imbak na mga butil. Ang Greek word para sa “kalawang” ay nangangahulugan na “isang pagkain.” Ito ang aplikasyon natin dito, yamang ang mga butil na ito ay madalas sirain ng daga, bubwit, bulate at mga insekto. Gayundin, halos lahat ng anumang uri ng kayamanan ay maaaring manakaw. Karamihan sa mga tao noong araw  ay inilibing ang kanilang di nasisisrang mga mahahalagang bagay sa lupa, na malayo mula sa bahay, at madalas sa isang bukid.

Walang pag-aari natin ay ganap na ligtas mula sa pagkawasak o pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Ngunit kapag ang ating oras atpanahon, lakas, at ari-arian ay ginagamit upang mapagamit para ihain sa  iba at upang palawakin ang gawain ng Panginoon, pinatatatag nila ang makalangit na mga mapagkukunan na luboas na libre mula sa pagkawasak o pagnanakaw.

Maihahalintulad ko ito sa aking pamumuhay. Dumating sa buhay ko noong Abril ng taong 2007 nung ako’y 23 taong gulang ako noon nang mabalitaan ko mula sa aking pinagtatrabahuhang kumpanya na nasusunog na ang bahay ng tinitirhan namen. Wala kaming binabayrang upa o anuman sapagkat nakikitira lamang kami sa bahay ng aking lola kasama ng pamilya ng nakababatang kapatid ng aking ama. Dalawang taon na akong nagiimbak noon ng aking mga ipong gamit magltulad ng sarili kong aparador, personal na kagamitan, mga libro at kung ano ano pang mga bagay na aking kinokolektang ari-arian. Namulat ako na pahalagahan ang mga pinaghirapang pag-aari subalit hindi pala ganun dapat. Simula ng baguhin ng Panginoon ang aking puso at isipan maraming nabago sa buhay ko at mas natuon ang aking pansin na mas mahalaga ang iisipin ng Panginoon kasysa sa tao. At nararapat na lubos siyang papurihan ng higit kaninuman. Tiyakin naten na mamuhay tayo sa ganitong prinsipyo:

MGA KAWIKAAN 3:9-10 Parangalan mo si Yahweh sa pamamagitan ng iyong mga kayamanan, at mula sa iyong mga pinakamainam na ani, siya ay iyo ring handugan. Sa gayon, kamalig mo ay lagi nang aapaw, sisidlan ng inumin ay hindi nga matutuyuan.

Matanong kita ilan sa napakarami mong hinaharap na problema o alalahanin ang umiikot sa paligid ng pinansyal na isyu? Anong bang klase ng stress at hirap ang ginagawa nito sa iyo sa pananatili nito sa iyong isipan at espirito – kung ang iyong problema ay nasasangkot sa pagiging balisa mo tungkol sa mga inaasam-asam na pera na mayroon ka, o sa pagiging balisa mo sa pera na hindi mo kayang makamit?