Inilarawan sa Pag-ibig ng Diyos

Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya’y humihingi ng tinapay? Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya’y humihingi ng isda? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya! Mateo 7:9-11

Kung ating inihahayag na tayo ay anak ng Diyos, nararapat lamang na sumalamin sa ating buhay ang karakter ng Panginoon. Sa Mateo 7:9-11 tinatanong ni Jesus ang mga katanungan dito na malinaw na sinasagot na walang ama ang makakagawa nito sa kadahilanang hindi natural na mapapabayaan ang pisikal at epsiritwal na pangangailangan ng kaniyang anak. Kung ang ama natin sa lupa ay hindi tayo pinababayaan papaano pa ang Ama nating sa langit.

Sa paanong karanasan ko ito maihahalintulad? Hindi maihahalintulad ang pagmamahal ng ama sa anak subalit nang maranasan ko ang pagmamahal ng Ama sa langit ay naging mabuti lalo ang pakikitungo ko sa kapwa ko. Sa pamamagitan nito naipadarama naten sa iba ang pagmamahal ng Ama sa langit sa ibang tao. Sa pammagitan ng pagbibigay sa pangangailangan ng kapwa naten. Sa simpleng tulong naipaaabot naten sa kanila kugn gaano kabait ang Panginoon sa kanila. Napakalinaw  na kung gusto naten na itrato tayo ng Diyos ng may mapagmahal na pagkabukas-palad bilang Kaniyang anak, nararapat lamang na pakitunguhan ang ibang tao, dahil tayo ang nagdadala ng Kanyang pagkakatulad.

Naitanong mona ba sa iyong sarili. Ano ang humahadlang sa iyong sariling abilidad upang makita Siya sa kaliwanagan, sa halip na pangunahan na may kaugnayan sa Kanya sa relihiyosong mga salita –  ng may kalayuan at hiwalay rito?

Ang Pagpili ng Diyos sa Mahihirap

Mga kapatid kong minamahal, makinig kayong mabuti! Hindi ba’t pinili ng Diyos ang mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya at maging kasama sa kahariang ipinangako niya sa mga umiibig sa kanya? 6 Ngunit hinahamak ninyo ang mahihirap. Hindi ba’t ang mayayaman ang umaapi sa inyo at sila ang kumakaladkad sa inyo sa hukuman?  Santiago 2:5-6
Ang pagpapakita ng pagtatangi sa mayayaman ay salungat sa pagpili ng Panginoon sa mga mahihirap. Ang yaman at kahirapan ay hindi kinakailangan sa espiritwal na isyu. Maraming mayayamang tao ay Kristiyano at maraming mahihirap na tao ang hindi nananampalataya. Subalit sa pangkalahatan, Ang Diyos ay namili sa mahihirap na tao upang manirahan sa kaniyang Kaharian. (Matt.19:23-23). Dahil ang mga mayayamang tao ay madalas na nakagapos sa mundong ito at may maling pakiramdam sa kanilang seguridad. KAramihan sa kanila at hindi lamang tinaggihan si Kristo, at kanila pang inusig ang mga nanampalataya (Santiago 2:6-7)
Dumating sa buhay ko at naranasan ang ganitong pangyayari. Nung ako ay nagsisimba sa BTN isang Simbahang Kristiyano sa Brunei kung saan ako unang nagsimba bilang Born-again Christian. Naranasan kong magbigay ng ikapu sa isang sobre na kung saan ilalagay mo ang iyong pangalan. Hindi kalakihan ang nailalagay ko kumpara sa naglalakihang suweldo ng mag kasabayan kong malalaki ang sahod doon. Nung umpisa napaka init ng pagtanggap sayo subalit nung malaman na nila ang ibinibigay kong ikapo ay napansin kong hindi nako madalas pansinin tulad nung umpisa kong punta.  Dito ko napagtanto na sila ay simbahan na nagtuturo ng “Proseperity Gospel/Health and Wealth/ Claim It.,etc.) Dito ko napagtanto na anuman ang iyong katayuan sa pananalapi, kung mahal mo ang Diyos, Ikaw ay mayaman sa pananampalataya at tagapagmana ng Kaniyang Kaharian. Ibig sabihin nito ay ligtas kana at magmamana ng Kapunuan  ng iyong kaligtasan at mayaman sa walang hanggang pagpapala ng Diyos. AT iyan ay isang kamangha-manghang katotohanan!
Itanong mo sa iyong sarili. Naranasan mo na ba na mabalutan ng kariwasaan  ang iyong mabuting pagpapasiya? Inaasahan ng Diyos na igalang at pangalagaan ng mga Kristiyano ang kanilang mga mahihirap na kapatid kay Kristo. Hindi mo ito magagawa kung ikaw ay nagpapakita ng pagtatangi sa mayayaman.

Paghingi ng Karunungan

Humingi kayo at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makakatagpo; kumatok kayo at kayo’y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. Matthew 7:7-8

Isa sa hindi ko malilimutang pangyayari sa buhay ko ay nang mamulat ng Panginoon ang mga mata ko. At hindi ito mangyayari ng dahil sa sarili kong gawa. Simple lang. May pinakilala ang Panginoon ng mga taong nagpakilala saken sa Kaniya at dala ng pagkamausisa na mas makilala ang sinasabi niyang Jesus ng Bibliya ay pinanalangin kong bigyan ako ng Panginoon ng Karunungan upang lubos na maintindihan ang gusto niyang iparating na mensahe sa akin. Sa ganung paraaan ko nasimulang makilala ang Diyos at mamulat ang lahat ng dapat ko malaman. Lubos saking pinakita ng Ama sa langit kung gaano siya mapagbigay sa atin at nangakong may daan sa panghabang buhay at walang katapusang kayamanan upang matugunan ang ating pansariling pangangailangan gayundin naman ang pangangailangan ng iba. Bukod sa perpekto at walang pagkakamaling Salita ng Diyos, kinakailangan paden natin ang Kaniyang Espiritu upang mabigyan ng interpretasyon at paglalarawan, palakasin ang loob at pagtibayin ang ating kalooban. Hindi niya gustong malaman natin ang lahat ng kasagutan; bagkus nais niya na tayo ay maging estudyante na nagsasaliksik sa Kaniyang Banal na kasulatan.

Tunay ngang ang Karunungang mula sa Panginoon ang isa sa ating pinakakailangan. Hindi naten matutukoy ang kaibahan ng mukang tama at mukang mali at hindi natin makikita ang mga banal na payo ng Ama sa Langit; at ang pangunahing pamamaraan upang makamit ang karunungang mula sa panalangin (Santiago 1:5)

Ikaw naitanong mona ba sa iyong sarili kung kailan mo hiniling sa Diyos ang kinailangan mong Karunungan mupang makagawa ka ng espiritwal na desisyon? Sa paanong paraan ibinigay ng Diyos ang hinihiling mong karunungan upang mahawakan ang natatanging sitwasyon sa iyong buhay?

Ng Aso at Baboy

Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang banal na bagay, baka pagkatapos ay kayo pa ang balingan at sakmalin nila. Huwag ninyong ihagis sa baboy ang inyong mga perlas sapagkat yuyurakan lamang nila ang mga iyon – Mateo 7:6

Dito ay napakalinaw na pinapakita sa talata na hindi binubukod ni Jesus ang bawat uri ng paghahatol – dito ay Iniutos Niya ang tiyak na uri. Walang responsableng Hudyo nung panahon ni Jesus na magtatapon ng piraso ng banal na karne na itinalagang bagay bilang sakripisyo sa templo. Habang ang mga baboy ay isinasaalang-alang ng mga Hudyo bilang madudumi tulad ng aso.

Isang halimbawa na lamang ay nung aking naranasan na makipag-usap patungkol sa isang hindi mananampalataya. Sa patuloy mong paglalahad sa mabuting balita ng Diyos sa kanila ay lalo lamang nila minamasama at binabastos ang salita ng Diyos. Sa ganitong paraan nararapt lamang na huminto na tayo sapagkat kanilang binababoy at hindi nirerespeto ang salita ng Diyos. Ang punto ni Jesus dito ay ang katotohanan at pagpapalang maibahagi natin ang ating pananampalataya ay hindi na dapat ipamahagai sa mga taong nakikipagt pa sa mga bagay bagay patungkol sa Diyos. Ang mga ganitong tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang banal at matuwid. Kukuhanin nila kung ano ang banal, ang perlas ng Salita ng Diyos, bilang kahangalan at insulto. Hindi naten nararapat na sayangin ang banal na salita ng Diyos sa mga taong tinatanggihan at inuuyam ito.

Naitanong mona ba sa iyong sarili kung ano ang isang natatanging sitwasyon sayong pang-araw araw na karanasan na kung saan ang kaalaman ng pahayag na ito ay nangyari? Sa paanong paraan mo nakikita kung ang tao ay tumatanggap kay Kristo at sa Kaniyang salita? Sa huli, ano ba ang pinakamainam na paraan upang manatiling totoo sa iyong pananampalataya sa pagharap sa mga ganitong tao?

Ang paghamon sa kapatid

Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakita kang mabuti at maalis mo ang puwing ng iyong kapatid. Mateo 7:5

Dito ay itinama ni Jesus ang likong paghahatol: una kung ating ikukumpisal ang ating sariling kasalanan, na kadalasa’y kasalanan ng isang taong nagaakalang siya ay matuwid at nagkokondenang espirito patungo sa kasalanan ng iba, at humihiling sa Diyos ng paglilinis sa kanyang sarili.

Ayon sa aking naranasan nung ako ay hindi pa nakakakilala ang akala ko sa sarili ko at mataas at matuwid kung ikukumpara sa ibang tao. Subalit nung makilala ko ang Panginoon tinuruan niya ako na kung aking hahatulan ang aking sarili ay ibase ang paghatol ayon sa Diyos. Kapag ang ating kasalanan ay nalinis na, kung ang trosong nakaharang sa aking mga mata ay natanggal, doon ko nakita ng mabuti ang kasalanan ng aking kapatid at pagnagawa na natin makita ang mga bagay na hindi natin nakikita noong tayo ay hindi pa nakakakilala sa Diyos doon palamang naten matutulungan ang ating kapatid. Ako nakita ko mismo ang lahat ng malinaw – mula sa kung sino at anong klase ang Panginoon, ang ibang tao, at lalong lalo na ang aking sarili. Nakita ko na ang Panginoon ang katangi tangi at nag-iisang tagahatol, ang iba na mga makasalanang tao na nangangailangan ding tulad ko. Simula nito nakita ko na ang aking kapatid ay kaparehas ko lamang ng antas sa paningin ng Diyos na may pagkakatulad ko na may kahinaan at pangangailan.  Sinasabi dito na lahat ng ating kasalanan ay nararapat lamang na ikompronta ng may kaamuan, hindi nang may kayabangan o mapagmataas. Hindi tayo nararapat na magpanggap na tagahatol – at nagbibigay sentensya na parang tayo ay Diyos. Hindi tayo makapagpapanggap na mas nakatataas sa iba – na parang tayo ay malaya sa parehong pamantayan na ating hinihingi sa iba. Hindi nararapat na tayo ay maglaro na parang hipokrito – sinisisi sa iba habang tayo ay hindi kasali.

Ikaw ba nakita mo ba ang iyong  sarili sa paraan na nakakalugod sa Panginoon, isaalang-alang ang sarili, at tunay na makinabang ang iba? Ano ang isang bagay na katungkulan ang susi  upang makapag ambag ng kadalisayan at kapayapaan dito? sa papanong pagsuway na paraan napanghawakan nito ng taong nakompronta? Ano kaya ang pagkakaiba kung magkabaligtad ang pangyayari at ang taong iyon ay ikaw?

Ang hindi pag-iwan ng Diyos sa kanyang mga anak ng mag-isa

Nagtaka at biglang napatindig si Haring Nebuchadnezar at itinanong sa kanyang mga tagapayo,”Hindi ba’t tatlo lamang ang inihagis sa apoy?” “Opo, kamahalan,” Sagot nila. “Bakit apat ang nakikita kong walang gapos at naglalakad sa gitna ng apoy nang hindi nasusunog? Ang ang tingin ko sa ikaapat  ay parang anak ng mga diyos. Daniel 3:24-25

Pinakita ng Panginoon dito kung gaano Siya makapangyarihan sa mga taong pumapatay kina Daniel at iba pa. Sinusubok ang kapangyarihan ng Dios na sinasamba nila Daniel. Sapagkat sinusunog na sila ay sinamahan pa ng Panginoon ang mga ito sa apoy at tinutulungan makaligtas sa nagbabagang apoy na kung saan sila ay hindi tinatablan nito. Napakalinaw na kakaibang higit sa kaya ng tao at lampas sa kanilang kontrol ang nangyayari.

Base sa aking karanasan, kung ikaw ay isang Kristiyanong tulad ko, ipinangako ng Panginoon na hindi Niya tayo iiwan o papabayaan. (Heb.13:5). Napatunayan ko ito sa bawat pagsubok at saya na aking dinaranas. Tulad nalamang nung ako ay naghahanap ng mahihiramang pera upang mapunan ang pambayad sa aking ahensya na inaaplayan palabas ng bansa anim na taon na ang nakakaraan at ako’y hindi pa noon nakakakilala sa Panginoon subalit ngayon ko lamang napagtanto ang mga makapangyarihang tulong ng Diyos sa akin. Wala akong ipon o anuman subalit may nilaan ang Diyos na mga tao na aking malalapitan at doon ko Siya nararamdaman sa bawat pangyayari sa aking buhay mabuti man o masama sa aking paningin. Kung kinakailangan, nagpapadala ang Panginoon ng mga anghel upang gabayan ka sa isang ispesyal na paraan (Heb.1:14). Sa katotohanang ito ay hinihikayat ako, at lalo na kung ako ay sumasailalim sa pagsubok.

Ikaw ba kailan mo pinapurihan ang Diyos para sa iyong proteksiyon at pangpalakas ng loob na ibigay sa iyo nung nakaraan at para sa kanyang panagako sa iyo sa hinaharap?

Ang Paglilingkod sa Maralita

Kung may pumasok sa inyong kapulungan na isang lalaking may mga singsing na ginto at nakadamit nang magara, at dumating  din doon ang isang dukha na gusgusin ang damit, at inasikaso ninyong mabuti ang nakadamit nang magara at sinabi sa kanya, “Dito kayo maupo,” at sinabi naman ninyo sa mahirap, “Tumayo ka na lang diyan”, o kaya’y “Sa sahig ka nalang maupo,” nagtatangi na kayo at humahatol ng mali. (Santiago 2:2-4)
Bilang Kristiyano nararapat lamang na tayo ay magpakita ng pantay na respeto sa mga mahihirap at sa mga mayayaman. Hindi na kaila sa atin mula noon at mag pa sa hanggang ngayon na tayo ay nagpapakita ng paboritismo at ito’y sadyang masama dahil ang karamihan sa ating kapwa mananampalataya ay napapabilang sa mahihirap. Ang pagtatangi laban sa kanila ay lubhang makakasira sa puso at layuin ng bawat simbahan.
Base sa aking karanasan ako ay lumaking hindi man kulang at hindi sobra ang salapi o ari arian ay napatunayan kong pinili ng Panginoon ang mahihirap sa mundong ito na mabiyayaan ng mayamang pananampalataya at maging tagapagmana ng Kanyang Kaharian, subalit ang iba sa mga nabasa nateng tao sa Santiago 2:5-6 ay nilalagay sila sa kahihiyan. Na makikita paden magpasa hanggangang ngayon sa bawat simbahan.  Ito ay nararapat lamang na mahinto! Sapagkat nararapat lamang na sila ay ating igalang at itrato na may dignidad kaysa itratong may pagkiling, at tulungan na bigyan ng kanilang posibleng pangangailangan. Isa sa mga naranasan ko ay nung ako ay napasama sa isang kawanggawa ng kinaaaniban kong grupo noon na kung saan kame ay naghandog ng libreng gamot at serbisyo medikal at namigay ng mga pagkain sa mga naghihikahos sa buhay na mga kapwa na walang kakayahang magbayad sa hospital upang maipagawa ang kanilang mga ipin at nag abot nang kaunting tulong makakain.Tinuturuan tayo dito na maging alerto sa ating paligid na nangangailangan ng ating tulong sa isang praktikal na paraan.

Naitanong mona ba sa iyong sarili. Gaano ka kasensitibo sa paligid mo at ano ang karunungang hiniling mo sa Panginoon upang malaman kung sa paanong paraan ka tumugon sa pangangailangan ng kapwa mong nangangailangan?

Ang maling paghusga

 “Huwag kayong humatol, nang kayo’y di hatulan.” Mateo 7:1

Ang mga mananampalataya ay hindi nararapat na gumawa ng hindi matuwid at malupit na paghatol sa iba sa kadahilanang maihahayag nito ang maling pagtingin sa Diyos.  na may kasabihan “upang ikaw ay hindi hatulan”, Ipinaaalala sa mga eskriba at Pariseyo ni Jesus na hindi sila ang pangwakas na hukuman. Para hatulan ang motibo ng ibang tao o tumayo sa lugar ng paggawad ng parusa ay parang pagpapanggap na ikaw ay Diyos. “Hindi humahatol kaninuman ang Ama, sa halip ay ibinigay na niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol” (John 5:22).  Sa panahon ng milenyal na kaharian si Kristo ay mamamahago ng paghuhukom sa atin (Matt.19:28), subalit hanggat hindi para dumarating ang oras na iyon tayo ay lumalapastangan sa Diyos sa tuwing tayo ay gumagawa ng tungkulin bilang hukom sa ating sarili.

“Sino ka para maghatol sa tagapaglingkod ng iba?” saad ni Paul. “Sino ka upang humatol sa lingkod ng iba? Ang panginoon lamang niya ang makahahatol kung siya’y karapat-dapat o hindi. At ituturing naman siyang karapat-dapat sapagkat kayang gawin iyon ng Panginoon.” (Rom.14:4). Munting pag-aalala ni Pablo sa kung paano ang ibang tao ay hinahatulan siya, o sa kung sa paanong paraan niya hahatulan ang kaniyang sarili. “ Malinis ang aking budhi, subalit hindi iyon katibayan na ako’y walang kasalanan. Ang Panginoon ang humahatol sa akin” (1Cor.4:4)

Maihahalintulad ko ito sa aking karanasan nung ako’y bago bago palamang mananampalataya at hindi pa ganun kalaki ang nalalaman sa salita ng Diyos. Madalas na humahatol sa doktrina ng iba na ang tanging hangarin ay mapatunayan na tama ang aking paniniwala. Minsan lumalabas na sa salita ng Diyos ang aking nasasabi bagkis nadadaan sa emosyon at hindi nababase sa pamantayan ng Panginoon. Subalit sa patuloy na pag-aaral at paghingi ng dunong sa Panginoon ay ipinaintindi niya sakin ang lahat ng nalalaman ko ngayon. Sa tuwinang tayo ay nagtatalaga ng tao upang maghusga ng walang kasamang awa, nagpapasa tayo ng hatol na tanging ang Diyos lamang ang kwalipikadong gumawa o magpasya. Hindi tinawag ng Diyos ang mga tao na tigilan na ang pagsusuri at karunungang makita ang magkaiba, ngunit upang talikuran ang mapangahas na tukso upang subukin  ng tao na maging Diyos.

Naitanong mona ba saiyong sarili ano ang maidudulot nito upang masiyahan tayo dahil dito? Ano kaya ang kailangan mangyari sa panloob bago naten makita ang paglago ng pagtutol naten na pagsasanay nito?

Kahulugan ng Paghusga ni Jesus

Huwag kayong humatol, nang kayo’y di hatulan. – Mateo 7:1

Isa sa pangunahing mensahe ni Jesus sa “Sermon of the Mount” sa kaniyang mga tagasunod upang sila ay marunong kumilatis sa kaibahan at perspektibo sa kung anong paniniwala nila at ano ang gagawin nila. Lahat ng Kristiyano ay kailangang magsumikap na humatol sa pagitan ng katotohanan at kasinungalingan, sa pagitan ng panloob at panlabas, sa pagitan ng kaganapan at kasinungalingan, at sa pagitan ng totoong pagkamakatwiran at maling pagkamakatwiran.

Sa bawat mensahe na ating maririnig ay kailangang pagpasiyahan para sa kawastuhan para sa mga doktrina nito. Sinabi ni Pablo sa Galasya, “Subalit kahit kami o isang anghel mula sa langit ang mangaral sa inyo ng Magandang Balita na iba sa ipinangaral namin sa inyo, parusahan nawa siya ng Diyos!(Gal.1:8)”

Ang hindi pagsuway sa kasalanan ay isang anyo ng galit, at hindi pagmamahal. Ang pagtanggi upang balaan ang isang tao tungkol sa kanyang kasalanan ay pagpapakita ng hindi maibigin dahil sa pagtanggi na balaan siya sa kaniyang seryosong sakit. Ang manunulat ng Hebrews ay tinatawag ito para sa lebel ng espirituwal na paggulang na kung saan ang mga Kristiyano “Ang matigas na pagkain ay para sa may sapat na gulang at dahil sa pagsasanay ay marunong nang kumilala ng pagkakaiba ng mabuti at masama.” (Heb.5:14)

Kaya sa Mateo 7:1, Hindi sinabi  sa atin ni Jesus na wag tayo mag-isip o gumawa ng paghatol. Tinutukoy Niya dito ang mga nag-aakalang siya ay mabuti kaysa iba, makasariling paghatol at malupit na paghatol ng iba na kasanayan na ng mga Pariseyo at Eskriba. Ang kanilang pangunahing pag-aalala ay hindi upang makatulong sa iba mula sa kasalanan patungo sa kabanalan, ngunit upang ikondena nila sa panlabas na paghuhukom dahil sa kanilang aksyon at saloobin na hindi naaayon sa sukat ng kanilang sariling makamundo at gawa-gawang tradisyon.

Dumating sa buhay ko noon na ako’y nanghusga ng hindi naaayon sa Salita ng Diyos. Nanghusga sa panlabas na anyo lamang.Ngunit ng ako’y minulat ng Panginoon unti unti niyang inalis ang ganitong klaseng panghahatol sa aking katauhan. At patuloy na humihiling sa Panginoon na ako’y bigyan ng lakas at dunong upang mapaglabanan ang ganitong pagkakataon. Ang manghusga ng hindi naaayon sa pamantayan ng Panginoon. Ang ipinagbabawal ni Jesus dito ay ang makasariling panghuhusga, nagmamadali, malupit, may kinikilingan at hindi sapilitang paghatol na ibinase sa  pamantayan ng sangkatauhan at pag-unawa.

Tanungin mo ang iyong sarili. Sa paanong paraan mo nakikita ang ganitong klaseng nalikong konsepto  sa pakkikitungo ng tao  sa iba at sa usapin ng moralidad?